Ang bayang itoy dating tinatawag ng Abuyon na may dalawang sakop ng
visits: Maaayas-as at sugbongcogon.Ang tiniente at mga pricipales sa
visita ng maay-as noong ika 3 ng marso 1845 sa pamumuno ng isang
nagngangalang Carlos Rea,ay nagadala o nagharap ng kahilingan a Maynila
sa Kapitan General Don Narciso Claveria at hiniling na ang maayas-as ay
siayang gawing kapital ng tatlonhg magkakalapit na
visita:Abuyon,Maayas-as 4 na cabeceras at Sugbong Cogon 2 cabeceras ay
may magandang look at may magandang pondo ng mga sasakyan at may
makakanlungan higit at lalo kung sumasama ang panahon, may mabuting
kaanyuan at kabagayan sa hinaharap ng panahon.Noong ika 13 ng hulyo ng
nasavbing taon, ang abuyon at sugbongcogon ay kapwa tumatanggao ng ukol
na salin sa nasabving kahilingan na ipinadadala sa maynila ng taga
maayas-as at may patalastas ang ang punong lalawigan ng tayabas. Sa
gayon payon punong tagapagpaganap ng buong kapuluan,noong ika-22 ng
styembre,1845 ay nagpadala ng isang utos(recreto na ipinalilipat na ang
kapital sa maayas-as.Dahil dito ang kapitan General o
Gobernadorcillo,kasama ang mga principales sa bayan na pinangungunahan
ni kapitan pedro filres ay tumawag ng isang pulong pangkalahatan noong
ika-12 ng Nobyembre ng nasabing taon at ipinaliwanag ang nilalaman ng
decreto. Ang lahat at bawat isa ay mahigpit na tumutol sa panukalang
paglilipat. Hango sat ala ni G.Juan Eleazar,pahina 2-a)...Dahil sa
makatwirang sinulat ng Gurong si martin mena ay maagang nalamuyot ang
kalooban ng mga taga maayas-as at sa pamumuno ng matalinong Guro ay
sinulat nito ang kahilingan sa alkalde mayor sa lalawigan at isang
salin sa kapitan Henetral na lilagdaan hindi lamang ng lahat ng mga
mamamayan sa maayas-as kundi pati na ng lahat ng mga mamamayan sa
sugbongcogon na umanib sa kilusan ay lalakatin na lamang nila ay
kalahati niyon kung ito ay mapapalipat sa maayas-as ang maunuang
bayan.Dahil sa kahilingang tinanggap ng mga matataas ng punong
lalawigan at punong sangkapuluan ang nga yaon ay kumilos at nagsiyasat
ng katawanan,subalit ang noon ay kura paroko sa abuyon na si padre
frncisco mendieta ay tumutol ng mahigpit na kinatigan naman ng tatlong
barangay at mga mamamayan ng abuyon na ang pinagbabatayan ng tutol
ay:1. walang magugol sa pagkalas at pagiba at pagbabagong muli sa
paglilipat ng gusaling bayan at mga mamamayan dahil sa tuluyan ng
patuluyan ang kaayanan at hindi masisiyahan sa paglilipat ay
magsisilayas at patutungo sa ibat-ibang bayan.s